Sunday, August 20, 2006

Bwisit!

Una sa lahat, kailangan kong magtagalog bilang paggunita sa Linggo ng Wika na pinagdiriwang ng Pilipinas.
 
Ok so dapat ko nang simulan tong entry ko na to bago ako lalong mabwisit.
 
Bwisit ako. Hindi ako ganun ka-fanatic ng Singapore Idol kasi talagang para sa kin, hindi talaga sila magaling, except lang kay Mathilda at Hadi. Hindi naman sa panglalait, pero talaga namang mas magaling pa ang mga contestants ng Little Big Star ng Pinas kesa sa mga Singapore Idol na to. At ang nakakainis, natanggal na si Mathilda, ang isa sa mga paborito ko.  Ok lang sanang matanggal sya kung talagang mahirap na pumili ng tatanggalin. Eh hindi naman ganun ang kaso.  Lahat ng natira, maliban kay Hadi, eh walang dudang patapon na. Nakakabuwisit di ba.
 
Bwisit ako.  Simula sa isang linggo, halos okupado na ang lahat ng gabi ko dahil tuwing Martes, Huwebes at Biyernes eh 1pm-10pm ako.  Kung kailan pa naman nagiging active ako lalo sa mga activities ng SFC eh tsaka naman naleche ang schedule ko sa office.  Biruin nyo ba naman, eto ang mga activities ko simula next week:
  • Dance practice for SFC Sportsfest on September (twice a week)
  • Badminton session
  • Tennis session
  • Ballroom session
  • Bowling practice (para sa sportsfest sana)
  • Swimming

Ngayong Lunes at Miyerkules na lang ang open kong schedule na may gabi, pano ko isisingit lahat yan? Nakakabuwisit di ba.

 

Bwisit ako.  Kasi despedida ngayong gabi ng kaibigan ko.  Pumunta ako dun kasama ang mga SFC friends ko para isurpresa sya.  Successful naman ang gathering namin, except that kailangan lang namin umuwi nung mga bandang 12am na.  May 2 kasi kaming barkada dito sa Singapore, bukod sa housemates ko, na nasa bahay at naghihintay sa min.  Ayaw ko pa talagang umuwi kasi ang punto ko naman, minsan lang yung gathering namin na yun, e eto namang mga barkada ko pwede pa naming i-meet some other time kasi andito lang naman sila.  Kaya lalo akong bwisit kasi ilang beses na kong ganito, na ang dami ko nang napalagpas na pagkakataon na mapasaya sana yung sarili ko kahit papano pero hindi pwede dahil sa mga ganung klaseng pagkakataon.

 

Yung binili naming dining set sa bahay, may preferred akong style pero ayaw nung kaibigan ko. Wala akong nagawa kundi magparaya.  Yung flower vase at bulaklak, may iba din akong gusto pero bigla na lang bumili tong kaibigan ko. So wala na naman akong nagawa kundi magparaya.  Kaya lang minsan nakakainis na.  Hanggang kailan ba pwedeng magparaya? Sinubukan kong ipilit minsan yung gusto ko pero hindi umubra kaya eto ako ngayon. Parang gusto kong magwala pero wala din namang mangyayari sa kin.  Alam ko namang mawawala din ito o siguro magsasubside lang.  Kaya lang sa ngayon, para gusto kong sumigaw, magalit pero di naman manakit. Oa na yun eh.

 

Hay, kabuwisit talaga.

1 comment:

Anonymous said...

:( wawa naman poy ko :( pagpaparaya is a virtue.. pero di ko akalaing nagpaparaya ka pala hehe :)